Biyernes, Hunyo 1, 2012

Singapore



          Makalipas ang limang-araw na paglalakbay, nakarating ang Salvadora sa Singapore noong  May 9, 1882. Tumuloy si RIZAL sa Hotel de La Paz sa dalawang araw na sandaling pamamalagi niya sa Singapore.
          Sa singapore, sumakay si RIZAL sa Djemnah, isang bapor ng Pranses na naglalayag patungong Europa.







          Isang linggo matapos na siya ay umalis sa Singapore, dumating ang bapor sa Point de Galle. Si RIZAL, kasama ang iba pang pasahero ay pumunta sa dalampasigan para magliwaliw.  








          Ng umaga ng MAYO 18, ang bapor ay dumaong sa Colombo, Ceylon.









Buhat sa Colombo, ang bapor ay tumawid sa Karagatang India patungong Cafe Guardafui sa Africa.
          Sa Aden, si Rizal ay nakaranas ng matinding init. Napag-alaman niyang higit itong mainit kaysa sa pinakamamahal niyang Pilipinas.








          Noong ika-2 ng Hunyo, dumating siya sa lungsod ng Suez. Ang Dagat na Pulang hanggahan ng Suez Canal. Ang napakagandang liwanag ng buwan sa marangal na lungsod na ito ay nagpapaalala sa kaniya ng kaniyang pamilya at ng Calamba.



18 komento:

  1. Sa unang paglalakbay na ito ni Rizal, May mga lugar na di sya nasiyahan dahil sanay sya sa malalaki at magagandang otel at magalang na pakikitungo sa mga panauhin. Isinulat nya ang "Amor Patrio" o "Pag Ibig sa Tinubuang Lupa".

    TumugonBurahin
  2. Si Rizal ay nakapunta na sa ibat-ibang bansa simula ng sya'y magtapos sa Unibersidad ng Sto. Tomas. Noon naglalakbay pa si rizal sa Europa. Naisulat nya ang unang masterpiece nya. Ang Noli me Tangere. Na aming proyekto ngayon kaya magcomment na kayo plss.. XD

    TumugonBurahin
  3. ang ganda naman ng blog nato.,Saka maayos yung pagkakagawa. At malaki din ang naitulong ng mga picture kasi nalalaman ng mga reader ang itchura ng lugar na nilalakbay ni Rizal.Saka tamang tama yung pag kakapost at pagdidivide ng bawat topic. :D

    TumugonBurahin
  4. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  5. Ms. Michelle Reyes, oo may mga imahe nga tayong nakikita pero sa tingin ko dapat mas dinagdagan pa nila ng mahahalagang detalye gaya ng kung ano ang dahilan ni Rizal kung bakit siya naglakbay patungo sa iba't ibang bansang kanyang napuntahan lalo ng ang bansang Singapore.

    TumugonBurahin
  6. maganda sia ah! maganda yung backround hahahaha
    sempre pati yung nilalaman .. :p

    TumugonBurahin
  7. sa blog na to naipakita ang mga karanasan ni Jose Rizal sa kanyang unang paglalakbay sa bansang espanya,nkatulong din ang paglalagay ng maraming larawan para idetalye ang kanyang paglalakbay,

    TumugonBurahin
  8. baket ganito yung blog na toh?
    kulang kulang yung description nyo sa unang paglalakbay ni rizal...maganda sana..

    TumugonBurahin
  9. Mr. Padilla sobrang nahiya naman ako nung nakita ko ang blog nyu,,, yun pa naman ang kasunod ng blog nmaen, ikalawa. tsk tsk. Pasensya na kulang mga inpormasyon na nakalap namen, lutang eh,,,,
    >:))) wahahahaha!

    TumugonBurahin
  10. MAGANDA UNG DESIGN NG BLOG NA TO ..
    PERO KULANG YUNG IBANG DETALYE..

    TumugonBurahin
  11. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  12. Noong Mayo 1,1882–umalis ng Calamba si Rizal patungong Manila dala ang halagang P356 at noong Mayo3,1882-Nilisan niya ang Manila patungong Singapore sakay ng Barkong Salvadora
    :D

    TumugonBurahin
  13. si Paciano ang nagbigay sa kanya ng P356 na piso, bago si Rizal umalis ng Calamba sakay ng karumata o karuwahe, hiningi muna niya ang brilyanteng singsing ng kapatid niyang si Saturnina. Makatapos ng sampung oras na byahe narating niya ang Manila, ibinigay ni Antonio Rivera kay Rizal ang pases (passport) "Jose Mercado" ang ginamit ni Rizal na pangalan upang maitago ang kanyang pangingibang bansa. Ika-2 ng Mayo, sinamahan siya ng kanyang kumpadreng si Mateo Evangelista sa bapor Salvadora at ipinakilala kay Donato Lecha, ang kapitan ng bapor Salvadora na taga Austria. Mula sa bapor ay nagpunta si Rizal kay Pedro Paterno na nagbigay ng liham ng Rekumendasyon sa kaibigan nitong Esquivel na taga Espanya. Kinahapunan dumalaw si Rizal sa Ateneo, dito binigyan siya ng sulat ng rekumendasyon para sa mga paring Hesuwita sa Barcelona. Kinagabihan dumalaw siya sa tahanan ng mga Valenzuela, pinabaunan siya ng garapon ng biskwit at isang kahon ng tsokolate bilang alaala. Kinaumagahan, Ika-3 ng Mayo, nagsimba si Rizal sa simbahan ng Sto. Domingo. (Ito'y simbahan sa Intramuros ng mga paring Dominiko, na nasira noong huling digmaang pandaigdig. Inilipat at ngayo'y nasa Lungsod ng Quezon.) Inihatid si Rizal nina Antonio, Gella, Mateo sa bapor Salvadora. Habang papalayo na ang bapor ay kinuha ni Rizal ang kanyang lapis at papel, iginuhit niya ang untiunting nanlalabong larawan ng Maynila. Labintatlong lalaki, sampung babae, labing apat na bata ang kasakay ni Rizal sa bapor. Halos lahat ng mga dayuhang ito ay pinupula ang bayang Pilipinas. Makalipas ang limang araw ay narating ng bapor Salvadora ang Singapore. ^____^v

    TumugonBurahin
  14. ano ano po ba ang mga karanasan ni rizal sa ibayong dagat?

    TumugonBurahin
  15. Ang ganda ng blog nyo! Very imformative tungkol sa buhay ni rizal Sakit.info

    TumugonBurahin