Biyernes, Hunyo 1, 2012

Madrid



         Noong Nobyembre 1882, si Rizal ay nagpatala sa Universidad Central
de Madrid sa dalawang kurso—medisina at pilosopiya at letra. Bukod sa
puspusang pag-aaral niya sa Universidad, nag-aral parin siyang pagpinta at
paglilok sa Akademya ng San Carlos



         Noong Hunyo 21, 1884 natapos sa kursong medisina si Rizal sa
Universidad Central de Madrid. Ngunit dahil sa hindi niya pag susumite ng
kanyang thesis, at hind pagbabayad ng karampatang halaga para sa
pagtatapos ay hindi siya nabigyan ng diploma sa kursong tinapos. Nang
sumunod na taon ay natapos din niya ang kursong Pilosopiya sa paaralan ding
iyon noong 1885.
        Sumapi si Rizal sa Masoneriya sa Masonic Lodge Acasia sa Madrid na ang masonik na pangalan niya ay Dimasalang, sa dalawang dahilan.
1. Dahil sa kawalan ng pag-asang mapagbago pa ang pagmamalabis sa mga paring kastila sa Pilipinas.
2. Kailangan niya ang tulong ng mga ito sa  pagtuligsa sa mga prayle sa Pilipinas.


7 komento: