Makalipas ang limang-araw na paglalakbay,
nakarating ang Salvadora sa Singapore noong May 9, 1882. Tumuloy
si RIZAL sa Hotel de La Paz sa
dalawang araw na sandaling pamamalagi niya sa Singapore.
Sa
singapore, sumakay si RIZAL sa Djemnah,
isang bapor ng Pranses na naglalayag patungong Europa.
Isang linggo
matapos na siya ay umalis sa Singapore, dumating
ang bapor sa Point de
Galle. Si RIZAL,
kasama ang iba pang pasahero ay pumunta sa dalampasigan para magliwaliw.
Ng umaga
ng MAYO 18, ang bapor ay dumaong sa Colombo,
Ceylon.
Buhat sa Colombo, ang bapor ay tumawid sa
Karagatang India patungong
Cafe Guardafui sa
Africa.
Sa Aden, si Rizal ay nakaranas ng matinding
init. Napag-alaman niyang higit itong mainit kaysa sa pinakamamahal niyang
Pilipinas.
Noong ika-2
ng Hunyo, dumating siya sa lungsod ng Suez. Ang Dagat na Pulang hanggahan ng
Suez Canal. Ang napakagandang liwanag ng buwan sa
marangal na lungsod na ito ay nagpapaalala sa kaniya ng kaniyang pamilya at ng
Calamba.