Umuwi si Jose Rizal ng Pilipinas dahil sa:
1. Upang operahan ang mata ng kaniyang ina.
2. Matulungan ang kaniyang kababayang inaapi.
3. Makita ang ibinunga ng kanyang Noli sa bayan at sa pamahalaang kastila
4. Upang alamin ang dahilan nang hindi pagsulat ni Leonora Rivera.
Gobernado Heneral Emilio Terrero |
Sa pag-uwi ni Rizal,nagkaroon ang
kanyang mgakaaway ng pagkakataon
na magsagawa ng isang paghihiganti.
Pinagbintangan nila ang Noli na
kumakalaban sa pamahalaan ng
Espanya.Ipinatawag siya ni Gobernado
HeneralEmilio Terrero.
Isang magandang pangyayari ang
idinulot ng pagkakabasa ni gobernador
Terrero ng sa Noli ni Rizal.
Pinaimbistigahan niya ang mga lupaing
pag- aari ng mga Paring Dominiko. Nang marinig ng mga mamamayan ang
utos na ito, agad silang humingi ng tulong kay Rizal. Nagsagawa ng sariling pag-aaral at ang
mga natuklasan ay isinumite sa pamahalaan noong Enero 7, 1888.
Kanilang natuklasan ang mga sumusunod:
1) ang malawak na lupaing pag-aari ng mga Paring Dominiko ay binubuo ng buong bayan ng Calamba kasama na rin ang mga karatig bayan nito.
2) lalong yumayaman ang Paring Dominiko dahil sa patuloy na pagtaas ng mga upa ng kanilang mga pinapaupahan.
3) ang may-ari ng Hacieda ay hindi nakikiisa sa anumang pagpapabuti ng mamamayan ng bayang ito.
4) kahit na ang mga tauhang tunay na nagpakahirap sa pagbubungkal ng lupa ay inalisan ng saka ng walang mahalagang dahilan.
5) ang pagtatakda ng malaking multa kapag nahuli ng nagpapabayad at pagkumpiska ng kanilang mga kalabaw, araro at tahanan sa oras na hindi makabayad ng upa.
Ang palala ng galit ng mga Prayleng Dominiko ay naglagay kay Rizal sa panganib.
Sa ilalimna payo na rin ni Gobernador Terrero ay ipinasya ni Rizal ang umalis ng bansa.
Hindi siya natatakot sa kaniyang kaaway ngunit ipinangamba niya ay ang maaring
mangyari sa kaniyang pamilya at kaibigan. Naniwala din siya na higit niyang
maipapagpatuloy ang kaniyang misyon kung ito gagawin niya sa ibang bansa na mas
malaya siyang makakilos.
Bago lumisan patungong ibang bansa sa pangalawang pagkakataon, sumulat siya
ng tulang Imno sa Paggawa. Salin sa tulang Himno at Trabajo na sinulat ni Rizal sa
kahilingan ng kaniyang mga kaibigan taga Lipa, Batangas upang awitin sa pagdiriwang
dahil sa pagiging lungsod ng Lipa, inihandog niya ang tula sa masisipag na ng Lipa.
Nararapat ang 86/100 sa blog na ito. Mapapansing nai-apply ang pagkamalikhain ng isang IT student sa pagdidisenyo ng isang site ngunit maraming impormasyon ang hindi nailagay.
TumugonBurahinGayunpaman, Congratulations!
==== lemor igop
maraming salamat po. makakaasa po kayung idadagdag namen ang mga impormasyong iyong hinahanap. :)
TumugonBurahinbuod po ng unang paglalakbay ni rizal
TumugonBurahinbuod po ng unang paglalakbay ni rizal
TumugonBurahinwala po ba buo ?
TumugonBurahin